PAGTATANIM NG 123 BAKAWAN, TAMPOK SA PAGDIRIWANG NG INDEPENDENCE DAY

bakawan

ANG  pagtatanim ng 123 pirasong bakawan ang naging tampok sa pagdiriwang ng Independence Day sa Rosario, Cavite.

Eksaktong 123 pirasong mangrove propagules (seedlings) o bakawan ang itinanim sa Isla Bonita  na dinaluhan ng mga kawani ng LGU, Rosario MPS, BFP, Bantay Dagat, at grupo ng Guardians.

“Ang lupang ito sa Isla Bonita ay ibinigay ng Maylikha. Nang dahil dito, nagkaroon kami ng maayos na matitirikan ng tahanan. Kaya naman, marapat lamang na ito ay aming alagaan at protektahan,” ayon kay  Nestor Llanoza, purok lider sa Isla Bonita.

Ang 123 pirasong bakawan na itinanim ay itinugma sa ika-123 taong pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan. SID LUNA SAMANIEGO

10 thoughts on “PAGTATANIM NG 123 BAKAWAN, TAMPOK SA PAGDIRIWANG NG INDEPENDENCE DAY”

Comments are closed.