LABIS na nakapanghihinayang ang napakaraming isdang tamban na inabandona na ng mga mangingisda dahil hindi na kayang bilhin ng mga pabrika o pagawaan ng sardinas.
Tone-toneladang tamban na nahuhuli sa Bulan, Sorsogon ang nagkalat sa dalampasigan dahil sa oversupply.
Iniiwan na lamang sa dalampasigan pa mismo ng karagatan ang tamban o inihuhulog muli sa tubig.
Pinakokontrol ng gobyerno sa mga mangingisda ang panghuhuli at pinaalalahanan na kung hindi maibebenta ang huli ay huwag na muna magpalaot kaysa masayang lamang.
Maging maingat lamang dahil isang paglabag sa batas ang pagtatapon ng huling isda sa dagat.
At dapat maging mulat ang mga mangingisda sa paalala ng Fisheries Development Authority (FDA) na limitahan ang paghuli tuwing nag -aabiso ang mga fish broker na kaunti lamang ang bibilhin nila.
Magkaroon din ng programa ang gobyerno para sa mga ganitong pangyayari.