PAGTATAPOS NG 2024 NI SID LUCERO, BONGGANG BONGGA

Dalawang pelikula ang entry ni Sid Lucero sa 50th Metro Manila Film Festival kaya bonggang-bongga talaga ang pagtatapos sa kanya ng 2024.

Kasali siya sa mga pelikulang The Kingdom at Topakk na parehong entry sa MMFF.

At bago Ang MMFF, showing muna ang pelikulang Celestina: Burlesk Dancer sa December 4, kasama naman sina Yen Durano, Christine Bermas at Arron Villaflor.

Meron pa siyang soap na Lumuhod Ka Sa Lupa, at may mga nagawa siyang pelikulang ngayon pa lang niya nakakasama ang mga artistang gusto niyang makatrabaho.

“Tuwang-tuwa ako dun grabe! As in…beginning of the year, nakatrabaho ko rin si Noel Trinidad. Sobrang nakakatuwa talaga. Marami po akong nakakatrabaho na gusto kong makatrabaho especially sa mainstream.

“Last year, nakatrabaho ko si Bea Alonzo for the first time and I’m so happy na nakatrabaho ko siya,” ani Sid.

“Nung pumasok sina Arjo [Atayde], Tita Sylvia, lalong bumigat kasi ibig sabihin may backer na, e. So, lumaki na siya nang lumaki. Then, yung pressure na binigay namin sa isa’t isa, nandun na yun kasi we’re friends, e.

“So siyempre magbibigay ako, magbibigay siya, magbibigay siya, magbibigay ako. So, talagang isa kaming pamilya na nagtatrabaho e,” sabi pa ni Sid.

Pero ang hinding-hindi raw niya makalimutan ay first time daw niyang nakatrabaho si Vic Sotto. Sobrang na-starstruck daw siya nang nakaeksena na niya si Bossing Vic.

“Kada eksena, tagaktak yung pawis mo. Kasi ang laki-laking tao ng kaeksena mo, tapos ang tingin mo dapat sa kanya ‘Daddy.’

“Habang nagda-dialogue ka, wow kaeksena ko itong artistang ito, grabe!” napapangiting pahayag ni Sid.

Madrama ang The Kingdom at hindi rito nag-comedy si Vic Sotto.

Pero sabi ni Sid Lucero, kung nag-comedy sila ni Bossing Vic, baka hindi raw niya kayang sabayan.

“Sa akin lang, it’s an honor. Hindi ko alam kung ito yung una niyang drama, tapos ako pa ang nakaeksena niya. Oh my gosh! Sa akin yun e… meron akong eksena na nagawa na napasilip ako. ‘Ano yung ginagawa niya, grabe!’ Kinikilig talaga ako e, the whole time.”