PAGTATAPOS NG EL NIÑO OPISYAL NANG IDINEKLARA NG PAGASA

OPISYAL  ng idineklara ng Pagasa ang pagtatapos ng El Niño phenomenon nitong Biyernes, Hunyo 7, bagamat mananatiling makararanas pa rin ng matinding init sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa gitna ng pagsisimula ng rainy season.

“This June, dry spell is forecast in Bataan, Pangasinan, Tarlac, and Zambales, while drought is likely in Apayao and Cagayan,” ang sabi ni Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) chief Nathaniel Servando.

Paliwanag ni Servando, ang mainit na panahon ay mga natitirang epekto na lamang ng El Nino phenomenon na mananatili pa rin sa mga susunod na buwan.

“When you heat a rod or blow a candle, the hot temperature does not go right away. The same with El Niño, its effects could still be felt in some areas,” ang paliwanag ni Servando.

Ito aniya ay bunga ng epekto ng mga kondisyon sa tropical Pacific na bumalik sa El Niño Southern Oscillation (ENSO) neutral levels na ibig sabihin ay naglalaro sa pagitan ng epekto ng El Niño o La Niña.

Sa gitna ng ENSO-neutral condition at ang hanging habagat o southwest monsoon, ang epekto ng mainit na panahon na dulot ng El Niño ay mananatiling magdadala ng mainit na panahon sa gitna ng normal na pag -ulan at magpapatuloy sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ayon sa advisory sa Pagasa.

Ayon kay Servando, may 69% probability na ang La Niña ay magaganap sa July, August, o September. “There’s a greater probability that La Niña would happen by the last quarter until February next year,” dagdag ni Servando.

Sa ngayon ay patuloy na minomonitor ng Pagasa ang La Niña na maaari aniyang madulot ng malalakas na pag- ulan, pagbaha at landslides. Ma. Luisa Macabuhay-Garcia