IMINUNGKAHI ni Senador Win Gatchalian ang pagkakaroon ng centralized database system para sa lahat ng mga nabakunahan upang mapaigting ang pag-monitor sa mga bakunadong indibidwal pati na rin ang mga hindi pa nakakatanggap ng bakuna at maiwasan ang mga magtatangkang makakuha ng booster shot sa panahong marami pa ang hindi nababakunahan.
Suhestiyon ni Gatchalian, dapat isama sa listahan ang mga nakatanggap ng bakuna mula sa pribadong sektor o mga bakunang binili at ibinigay ng mga pribadong kumpanya sa kanilang mga empleyado.
“Dapat matagal na itong centralized database dahil dito natin makikita kung merong nag-doble sa pagpapabakuna. Hindi natin maiiwasan minsan na merong ilan na hindi lang isa ang address.
Nakakalungkot na merong nananamantala ng sitwasyon. ‘Yung iba, nagpabakuna na sa isang LGU tapos nagpabooster shot pa sa ibang LGU. Kung may centralized database tayo, mabilis at maiiwasan ang ganitong pananamantala lalo na’t marami pa ang hindi nababakunahan,” paliwanang ng senador.
Sa ilalim ng tripartite agreement ng pribadong sector sa gobyerno, sinabi ni Gatchalian na obligado ang mga pribadong kumpanyang nakabili na ng kanilang suplay ng bakuna na magsumite ng listahan ng mga taong nabakunahan na para sa mas maayos na sistema ng pagmomonitor.
Aniya, dapat isama ito sa binabalangkas ng Department of Information and Technology (DICT) na digital o unified vaccine certificates para sa mga taong fully-vaccinated na.
“Gawin nang uniform ng DILG at DOH ang mga vaccination cards para nakahanda na tayo kapag naging global standard na ang vaccination card,” ayon kay Gatchalian.
“Sana meron na tayong single uniform vaccination card na gagamitin ng mga LGUs. Hindi talaga ire-recognize ng mga advanced countries ang individual vaccination cards ng iba’t-ibang LGUs,” dagdag pa ng senador.
Ang VaxCertPH na hinahanda na ng DICT sa pakikipagtulungan sa Department of Health (DOH) ay ipamimigay sa mga taong nakakumpleto na ng bakuna sa bansa at ito ay batay sa pamantayan at technical specifications ng World Health Organization (WHO).
Sa kasalukuyan, tanging ang local government units (LGUs) pa lang ang inatasan ng DICT na magsumite ng listahan ng mga nasasakupan nilang nakakumpleto na ng bakuna na pagbabatayan ng ibibigay na digital vaccine certificates. VICKY CERVALES
645440 923540Hey there! Wonderful stuff, please do tell us when you post again something comparable! 97422
10812 912746This design is incredible! You undoubtedly know how to keep a reader amused. Between your wit and your videos, I was almost moved to start my own weblog (nicely, almostHaHa!) Amazing job. I genuinely loved what you had to say, and a lot more than that, how you presented it. Too cool! 246242
213597 899944Intriguing post. Positive that Ill come back here. Good function. 878664
254588 333202This really is one really fascinating post. I like the way you write and I will bookmark your weblog to my favorites. 827924
418627 38605I dont generally comment but I gotta state thanks for the post on this excellent one : D. 564042
211208 716440Hiya! awesome blog! I happen to be a day-to-day visitor to your web site (somewhat more like addict ) of this site. Just wanted to say I appreciate your blogs and am seeking forward for far more to come! 233027
457205 737948Found this on MSN and Im happy I did. Properly written article. 174752
959467 64634somehow found your site when i was kind of stoned. excellent read 562040
58548 960917Some truly nice stuff on this internet website , I like it. 678285
879012 624353TeenVogue? Searching for fashion advice, celebrity buzz or beauty trends? Discover it all in Teen Vogue 541688