PAGTATATAG NG DISTRICT OFFICE NG LTO AT LTFRB APRUB NI PRRD

NILAGDAAN  ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 14 na bagong batas para sa pagtatatag ng District Office ng Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa 13 lalawigan sa bansa.

Batay sa mga pinirmahang batas ng Pangulo, itatatag ang LTO district offices sa Isabela, Bukidnon, Misamis Oriental, Cebu, Capiz, Cebu, Northern Samar, Dinagat Islands, Pampanga, Aklan, Negros Occidental at Laguna.

Sa ilalim ng mga naturang bagong batas, inaatasan ng Punong Ehekutibo ang kalihim ng Department of Transportation (DOTr) na isama sa kanilang programa ang pagsisimula ng operasyon ng mga bagong LTO at LTFRB District offices.

Samantala, nabatid na isasama sa taunang pambansang budget ang pondo upang maging operational ang mga bagong tanggapan. DWIZ882