(Pagtataya ng OCTA) COMMUNITY TRANSMISSION NG DELTA VARIANT

MALAKI ang posibilidad na mayroon na ngang nagaganap na community transmission ng Delta variant ng COVID-19 sa Metro Manila.

Ito ang pagtaya ng OCTA Research Group, base na rin sa tumataas na porsiyento ng naturang kaso sa bansa nitong nakalipas na mga araw.

Ayon kay Dr. Guido David, sa pagtaya ng OCTA ay posibleng mayroon nang 300 bagong kaso ng Delta variant kada araw sa rehiyon, base na rin sa percentage ng mga kaso nito mula sa total infections na naitatala sa bansa.

Ipinaliwanag naman ni David na mas mabuti na ring mag-assume na mayroon na ngang community transmission para mag-doble-ingat ang lahat upang maiwasan ang higit pang pagkalat ng sakit.

“We understand ang Department of Health (DOH), sila ang official body, kino-confirm nila ito through genome sequencing. We’re an independent group, (and) we can say based on statistics, based on sampling, ‘yung nakita nating Delta variant cases, tumataas na sa 25 percent. Dati, nasa 15 percent,” ayon kay David, sa panayam sa teleradyo.

“Kung 300 cases per day, masasabi natin talagang merong community transmission. In the interest of safety, kahit wala pang confirmation na community transmission, it’s better to assume na merong community transmission para magdoble-ingat tayo,” paliwanag pa niya.

Sa kabila naman nito, kumpiyansa si David na kung malulusutan ng bansa ang pagkalat ng Delta variant at mas marami nang mamamayan ang mabakunahan, ay maaari pa ring magkaroon ng Maligayang Pasko ang mga mamamayan.

“Ito na ang last major hurdle natin sa taon. ‘Pag malusutan natin ito, madami na ang nabakunahan sa Metro Manila, we’re going to have a booming 4 months… We will have a Merry Christmas,” aniya pa.

Batay sa datos ng DOH, hanggang nitong Miyerkoles ay mayroon nang kabuuang 216 Delta variant case ang bansa, mula sa 9,725 samples na isinailalim sa genome sequencing.

Sa naturang bilang, 16 na lamang ang aktibo, walo ang namatay at 192 naman ang nakarekober.

Sa pinakahuling batch naman ng 97 bagong natukoy na Delta variant cases, nabatid na 25 ang nasa Metro Manila.

Kaugnay nito, sinabi rin ni David na base sa projections ng OCTA Research Group, makakaabot pa ang Metro Manila sa 2,000 daily cases ng COVID-19 sa Agosto 10, ngunit ngayon pa lamang aniya ang bilang ng mga naitatalang impeksiyon ay umaabot na sa 1,700.

Nagdeklara naman na si Pangulong Rodrigo Duterte na muling isasailalim ang Metro Manila sa pinakamahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) mula Agosto 6 hanggang 20 upang mapigilan ang higit pang pagkalat ng Delta variant sa rehiyon.

Gayunman, sinabi ni David na maaari pang ma-extend ang naturang ECQ kung patuloy na tataas ang bilang ng COVID-19 cases.

“‘Yung 2 weeks, possible na ma-extend siya ng 3 weeks kung mataas pa ang cases. Possible din na 2 weeks lang talaga kung mapababa natin ang cases. It will also depend kung ano ang case count natin ng August 5, just before ng ECQ,” ani David. Ana Rosario Hernandez

117 thoughts on “(Pagtataya ng OCTA) COMMUNITY TRANSMISSION NG DELTA VARIANT”

  1. 386153 404085In todays news reporting clever journalists work their very own slant into a story. Bloggers use it promote their works and several just use it for enjoyable or to stay in touch with friends far away. 872904

  2. 865190 460108Undoubtedly,Chilly place! We stumbled on the cover and Im your own representative. limewire limewire 509751

Comments are closed.