NANINDIGAN si Pangulong Rodrigo Duterte na kakayanin pa rin niyang maikasa ang preparasyon para sa pagpapatayo ng bahay para sa mga nawalan ng tahanan dulot ng bagyong Agaton.
Bagaman gahol na sa panahon dahil higit dalawang buwan na lamang ang nalalabing mga araw sa panunungkulan, tiniyak ni Pangulong Duterte ang kanyang pangako at sinabing kaya naman nitong makapaglatag ng pa ng kinakailangang preparasyon.
“Umaasa naman ako na sinuman ang papalit sa aking puwesto ay itutuloy nito ang pagpapatayo ng bahay sa mga naging biktima ng bagyo dahil proyekto naman ito ng pamahalaan”, wika ng Pangulo. BETH C