PAGTITIPON SA CHINESE NEW YEAR IPAGPALIBAN-DOH

HINIMOK  ng Department of Health (DOH) ang publiko na ipagpaliban ang pagsasagawa ng social gatherings sa pagdaraos ng Chinese New Year sa Pebrero 1.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, iwasan ang mga pagtitipon dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.

Dadag pa ni Vergeire, na ang ganitong aktibidad ay maaaring maging dahilan ng COVID-19 transmission.

Gayom pa man, pinaalalahanan ng DOH undersecretary ang publiko na sumunod pa rin sa minimum health protocols para maiwasan ang COVID-19.