NANG madiskubre sa Wuhan, China noong huling bahagi ng 2019 ang SARS-CoV-2, ang virus sa likod ng pandemyang COVID-19, walang nakaaalam kung ano ang mga maaaring asahang mangyari.
Nagulantang ang buong mundo nang isa-isa nang magsimulang magpatupad ng lockdown ang China, ang mga bansa sa Europe, at North America. Hanggang sa sumunod na ang Pilipinas sa pagpapatupad ng mahigpit na lockdown noong Marso ng nakaraang taon.
Ilang buwan matapos ideklara ng World Health Organization (WHO) bilang isang ganap na pandemya ang COVID-19, nagsimula na ang mga siyentista at dalubhasa mula sa iba’t ibang bansa sa paggawa ng bakuna kontra rito. Ang paggawa ng bakuna ay isang kumplikado at maselang proseso. Ito ay karaniwang inaabot ng 10 hanggang 15 taon. Bunsod ng matinding pangangailangan sa pagkakaroon ng agarang bakuna, humanap ng paraan ang mga siyentista kung paano mapabibilis ang paggawa nito. Ito ay upang matugunan ang pagiging agresibo ng COVID-19 at upang mabigyang solusyon din ang malawakang lockdown na naganap noong nakaraang taon na tila pumaralisa sa ekonomiya ng mundo.
Sa kasalukuyan, siyam na bakuna ang pinahintulutan ng Food and Drugs Administration (FDA) ng bansa para ipamahagi sa mga indibidwal na kwalipikadong makakuha ng bakuna. Ang mga ito ay ang Pfizer, Moderna, Gamaleya Sputnik Light, Gamaleya Sputnik V, Janssen, AstraZeneca, Covaxin, Sinopharm, at Sinovac.
Bagaman pare-parehong pinaniniwalaang epektibo, iba’t iba ang uri ng mga ito. Ang Pfizer at Moderna ay mga RNA vaccine. Non replicating viral vector naman ang Sputnik Light, Sputnik V, Janssen, at AstraZeneca, habang ang Covaxin, Sinopharm, at Sinovac ay inactivated virus vaccine.
Ang Sinovac ang kauna-unahang bakunang natanggap ng bansa noong Marso 2021 na may bilang na 600,000 na dosis. Bago pa man dumating sa bansa, samu’t saring kontrobersiya na ang ibinabato sa bakunang ito. Dahilan dito, maraming Pilipino ang natakot magpabakuna gamit ang Sinovac. Upang mapawi ang takot na ito, maaalalang mismong si Philippine General Hospital Director Dr. Gerardo Legaspi ang nagboluntaryo na maging kauna-unahang Pilipinong tumanggap ng unang dosis ng Sinovac sa bansa. Sa kasalukuyan, Sinovac ang dominanteng bakuna sa Pilipinas. Mula sa datos noong ika-2 ng Setyembre, sa kabuuang bilang na halos 53 milyong dosis ng iba’t ibang bakuna kontra COVID-19 na natanggap ng bansa, 28.5 milyong dosis o higit sa kalahati nito ay Sinovac.
Batay sa mga ginawang trial sa Brazil, Indonesia, at Turkey, ang Sinovac ay may efficacy rate na 65 hanggang 91%. Bagaman ito ay hindi sing-taas ng ibang bakuna gaya ng Moderna at Pfizer, ito ay nananatiling epektibo kaya ito binigyan ng pahintulot ng FDA. Nang sinimulan ang programa ng bansa sa pagbabakuna, hinikayat ng vaccine czar ang mga mamamayan na magpabakuna agad kung may pagkakataon at huwag mamili ng tatak. Ang importante ay ang maging protektado laban sa COVID-19 sa lalong madaling panahon.
Sa kabila ng mga isyu ukol sa antas ng bisa ng mga bakuna mula sa China, naging malawakan pa rin ang pamamahagi nito ng kanilang bakunang Sinovac at Sinopharm. Ang mga bakunang ito ang nagsilbing tagasalba ng mga bansang nahirapang makakuha ng mga bakuna mula sa Moderna, Pfizer, at AstraZeneca. Sa katunayan, 800 milyong dosis ng bakuna mula sa China ang ipinangako nitong ipamamahagi sa 95 na bansa.
Ilang bansa ang nakaranas ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa kabila ng pagkakaroon ng mataas na antas ng bakuna. Noong Hunyo, ang bansang Chile ay nakaranas ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa kabila ng halos 60% na antas ng bakuna rito. Bilang resulta, muli na namang napag-usapan ang pagiging epektibo ng mga bakuna mula sa China dahil ito ang dominanteng bakuna sa Chile.
Kaugnay rin ng isyu ukol sa bisa ng Sinovac, hindi tinanggap ng Costa Rica ang Sinovac sa kanilang bansa dahil sa mababang antas ng pagiging epektibo nito. Bunsod nito, pinahinto ng National Commission on Vaccination and Epidemiology (NCVE) ng Costa Rica ang negosasyon sa pagitan ng bansa at ng mga kompanyang parmasyutikal ng China. Ayon sa WHO, nasa 50.1% lamang ang antas ng bisa ng Sinovac sa pagpigil ng sintomas ng COVID-19. Ito ay lubhang mas mababa kumpara sa mga bakunang gawa ng US. Nasa 60% pataas lamang na antas ng bisa ang pinahihintulutang bakuna ng Costa Rica.
Madaling maapektuhan ang mga Pilipino ng mga ganitong uri ng balita dahil Sinovac din ang dominanteng bakuna sa bansa. Dahil Sinovac ang isa sa mga tatak ng bakuna na natanggap ng bansa nang magsimula ang ating programa sa pagbabakuna, marami sa mga healthcare worker at mga senior citizen ang nakatanggap nito. Kaya mahalagang masiguro ng pamahalaan ang bisa ng Sinovac.
Sa isang panayam ay ipinahayag naman ni Galvez na kasalukuyang nakikipag-usap ang bansa sa apat na parmasyutikal na kompanya ukol sa usapin ng booster shots para sa bansa.
Ayon pa kay Galvez, nasa P5 bilyon ang badyet na ilalaan ng Department of Budget and Management para rito. Ito ay inaasikaso na ng pamahalaan sa kabila ng pahayag ng WHO na hindi pa panahon upang ito ay pag-usapan. Ang mahalaga raw ay siguruhing kumpleto sa bakuna ang mga indibidwal na madaling tamaan ng virus. Mainam na balita naman ito na tila nagiging maagap ang ating bansa ukol sa usapin ng pangangailangan ng booster shot.
Ako ay naniniwala na ang mga bakuna, anuman ang tatak, ay pare-parehong epektibo sa pagbibigay ng proteksiyon laban sa virus. Bagaman hindi nangangahulugan na kapag kumpleto mo na ang bakuna ay hindi ka na magkakaroon ng COVID-19, maaasahan namang hindi magiging matindi ang sintomas nito sa mga taong kumpleto sa bakuna kumpara sa mga taong wala pang bakuna. Bilang isang indibidwal na nakatanggap ng kumpletong bakuna gamit ang Sinovac, makagagaan ng aking kalooban kung muling pag-uusapan ang antas ng bisa ng Sinovac, lalo na kung kailangan ng booster shot upang mas lalo itong maging epektibo.
26689 143540Thoughts talk within just about the web control console video clip games have stimulated pretty expert to own on microphone as properly as , resemble the perfect tough guy to positively the mediocre ones. Basically fundamental issues in picture gaming titles. Drug Recovery 579322
21256 884529I really like your wp template, wherever do you obtain it through? 161947
184648 23134What host are you the use of? Can I get your associate hyperlink to your host? I wish my website loaded up as fast as yours lol 216764
205261 250304I like this internet internet site very much, Its a really nice post to read and get information . 936905