PAGTUGIS SA BIFF WALANG HUMPAY, 1 SUNDALO NAPURUHAN

BIFF

IPINAG-UTOS ng  6th Infantry Division  Commander at Joint Task Force Central Commander Major Gen. Diosdado Carreon na huwag tatantanan ang pagtugis sa mga tumatakas na mi­yembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Dawlah Islamiya Terror Group matapos ang engkuwentro na ikinasawi ng isang sundalo at ikina­sugat ng anim na iba pa.

Ayon kay 6th Infantry Division Philippine Army spokesperson Major Homer Estolas, hindi nila lulubayan ang ISIS inspired terror group na nasa likod ng pagsabog ng isang improvised explosive device sa Brgy. Malingaw, Shariff Aguak habang nagsasagawa ng counterterrorism operations ang 33rd Infantry Battalion  at 1st Mechanized Infantry Battalion.

Sugatan sa pagsabog sina PFC Jessie Steve Polinar, Pvt. John Mrk Alagos, Pvt. Jebboy Borgonios at Pvt Joel Rey Bacol.

Samantala, tinamaan naman sa dibdib si PFC Danny Semillano sa Brgy Pamalian, Shariff Saydona Mustapha sa nangya­ring engkwentro.

Sugatan din sa IED explosion si Cpl. Alvin Samama sa bahagi ng Brgy Pikeg, Shariff Saydona Mustapha.

Nasawi naman si Cpl. Ronald Devalid sa hiwalay na sagupaan laban sa mga tinutugis na miyembro ng BIFF sa Sitio Tatapan, Brgy Kitango, Datu Saudi Ampatuan.

Ayon kay Estolas, tiniyak ni 6th Major Gen. Diosdado Carreon na tuloy-tuloy ang pagtugis at pag-neutralize sa nasabing mga grupo partikular na sa  Maguindanao. VERLIN RUIZ

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *