PAGTUGON KAPAG NAKAGAT NG ASONG MAY RABIES ITUTURO SA MGA SCHOOL

RABIES

NALALAPIT nang maituro sa mga estudyante sa mga paaralan kung ano ang gagawin sakaling makagat ng asong may rabies.

Kasabay ito ng  paggamit ng mga guro ng  78 na lesson plan na inilunsad ng Department of Education (DepEd) sa mga paaralan para  sa pagtuturo nito.

Sinabi ni Education Assistant Secretary Salvador Malana na susi ang edukas­yon para malabanan ang rabies.

“Intervention at an early age is expected to empower children, their teachers and their families with the knowledge to protect themselves from bites, prevent rabies and save lives,” ang pahayag ni Malaya.

Target na  turuan ang mga estudyante mula kindergarten hanggang Grade 10.

Makikinabang sa programang ito ang 21 milyong  mag-aaral  mula sa mahigit 45,000 paaralan.

Batay sa tala ng DepEd,  200 hanggang 250 Filipino ang namamatay sa rabies kada taon at 30 porsiyento rito ay mga bata.

Ang rabies ay nakahahawa at nakamamatay na sakit mula sa aso, pusa at iba pang katulad na hayop.

Comments are closed.