(Pagtugon sa atas ni PRRD na tulungan ang mga health worker) 339 POLICE MEDICS IDE-DEPLOY SA IBA’T IBANG OSPITAL

Camilo Pancratius Cascolan

CAMP CRAME-INIHAYAG ni PNP Deputy Chief for Administration, Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan na nasa 339 pulis na nakapagtapos ng kursong may kaugnayan sa medisina ang posibleng i-deploy sa mga ospital para tumulong sa health workers upang gamutin ang mga COVID -19 patient.

Ito ay matapos na ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin na rin ang mga pulis na nagtapos ng kursong nursing o may kinalaman sa medisina na tumulong sa paglaban sa COVID -19.

Magugunitang noong Linggo ng gabi ay inaprubahan ng Pangulo ang panawagan ng mga health worker na higpitan muli ang kuwarantina para mabigyan sila ng ‘time out’ o breathing space bunsod ng matinding kapaguran sa araw-araw na pagdagdag ng mga dinapuan ng coronavirus.

Ayon Cascolan ang kaniyang nalikom na 339 na mga pulis ay hindi pa nagpa-function bilang medtech kaya sila ay magiging dagdag puwersa sa PNP medical corps.

Ang mga medtech cop ay bibigyan muna ng briefings sa ilalim ng Healh Services bago isalang sa iba’t ibang ospital.

Bukod sa 339 na pulis, patuloy pang kino-consolidate ni Cascolan ang information data sheet o 201 file ng kanilang mga tauhan mula sa patrolman pataas para matukoy kung sino ang may background sa medisina at health care.

Kaya nangangahulugan aniya na maaari pang madagdagan ang medtech cops na patutulungin sa mga ospital maging panggobyerno o pribado.

“We’ll evaluate how many can be deployed,” ayon kay Cascolan.

Nitong Martes lamang ay sinabi  PNP Chief,  General Archie Francisco na inutusan  niya si Cascolan, commander  ng Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) na re-evaluate ang kanilang medical personnel  at     maghanap pa sa kanilang hanay na may background sa medisina para tulungan ang mga health worker. REA SARMIENTO

Comments are closed.