PATULOY sa pananaliksik ang mga eksperto upang makatuklas ng mabisang gamot o bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) kung saan ang dalawang vaccine ay nasa phase 3 na umano ng pag-aaral na ginagawa ngayon sa ibang bansa.
Ayon kay Food and Drgus Administration Usec Eric Domingo, kabilang sa nasa Phase 3 na ay ang astralegica sa Oxford, London at ang sinovac sa China.
Sinabi ni Domingo na may isa pa umanong nasa Phase 3 nang ginagawa sa Russia ngunit kanila pa itong kinukumpirma.
Ang astralegica at sinovac ay kabilang sa 163 vaccines na kandidato para sa clinical study at ngayon ay nasa trial na.
Sa 163, nasa 140 na aniya ang pinag-aaralan na habang nasa clinical trial na ang 23 vaccines kabilang ang astralegica at cynaobac.
Sa buong mundo, sinabi ni Domingo na ang remdesivir naman ang tinututukan sa trial dahil mas mabilis ang recovery at nakakapagpababa ng mortrality rate.
Dito naman sa Filipinas ay sinimulan na ang trial sa Avigan drug o favipiravir na isang potensyal na gamot laban sa COVID-19 at ginagamit na rin ito sa mild to moderate cases.
Mayroon na rin aniyang protocol na isang clinical trial na naprubahan na ng FDA at dumaan na sa masusing review ng ethics board at technical review ng FDA.
Sinasabing ang Avigan drug o Favipiravir na gamot sa influenza at flu ay hindi na bagong gamot dahil rehistrado na ito sa Japan at China ng 14 na taon na.
Para naman kay Usec Maria Rosaria Vergeire, mahalaga ang update upang mas maintindihan ng publiko kung ano na ang status ng mga pinag-aaralang mga bakuna at gamot sa buong mundo para sa posibleng lunas para sa COVID-19.
Importante rin aniya ang ginagawa ng WHO kung saan ayon kay Domingo may inisyatibo ito na magkakaroon ng access ang iba’t ibang bansa sa buong mundo para makakuha ng bakuna. PAUL ROLDAN
Comments are closed.