CAMP CRAME – MALAKING bagay para sa Philippine National Police (PNP) ang pagkakaaresto sa video uploader ng “Ang Totoong Narcolist”.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Col Bernard Banac sa pamamagitan ng video uploader na si Rodel Jaime madali nang ma-tutukoy kung sino si alyas Bikoy.
Si Bikoy ang nasa likod ng pagpapakalat ng “Ang Totoong Narcolist” video na nag-uugnay kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa pamilya nito sa ilegal na droga.
Aalamin aniya nila kung saan nakuha ng naarestong si Rodel Jaime ang ina-upload na video at ano ang kaugnayan nito sa gumagawa nang mapanirang video.
Samantala, inamin naman ni Banac na hindi sila nakatatanggap ng reklamo laban kay alyas Bikoy.
Gayunman, sakali aniyang may magreklamo ay nakahanda ang PNP na umalalay.
Sa kabila naman na wala pang formal complaint laban kay Bikoy patuloy na magmamanman at mangangalap ng impormasyon ang PNP para matukoy ang kinaroroonan nito.
Ito ay upang malaman nila mismo mula kay Alyas Bikoy ang katotohan at makuha ang basehan nito sa mga inilalabas na mga mapanirang impormasyon. REA SARMIENTO
Comments are closed.