MALUGOD na nagpapasalamat kay Senator-Elect Bong Go ang mga taong natutulungan nito lalo na ang mga biktima ng sunog at iba pang kalamidad na personal nitong pinupuntahan sa iba’t ibang panig ng bansa.
Kamakailan lamang ay dinamayan at tinulungan ng bagitong senador ang mga nasunugan sa Barangay Paltok, Quezon City
Ayon sa mga nasunugan, hindi nila akalain na pupuntahan at aayudahan sila ni Senador Bong Go kahit tapos na ang halalan.
Sinabi ng kanang kamay ng Pangulo, ang pagtulong sa kapwang nangangailangan ay hindi lamang tuwing eleksiyon isinasagawa, sa halip ay sa bawat panahon at pagkakataon.
Anang senador, hindi niya maatim na panoorin na lang sa telebisyon ang mga nasunugan na umiiyak at sumisigaw ng tulong.
Inihayag ni Go, mayor pa lamang ang Pangulong Rodrigo Duterte ay trabaho na nila sa Davao City ang personal na pagdamay at pagtulong sa mga nasunugan at iba pang biktima ng kalamidad.
Hindi tumigil kahit nasa Malakanyang na at itinalagang Special Assistant to the President (SAP) Secretary at ngayon ay bagong halal na senador si Bong Go.
Aniya, kulang ang kanyang araw kapag wala siyang natulungan na nangangailangan. Kamakailan lang ay isang batang may sakit sa atay o “biliary atresia” ang ipinagamot ng bagong halal na senador.
Comments are closed.