Tinatayang aabot na sa P60 million ang halaga ng bigas at grocery packs ang naipamahaging tulong ng isang grupo ng mga negosyanteng Filipino-Chinese mula sa Binondo na nakipagsanib pwersa kay Senador Imee Marcos upang magbigay ayuda para sa mga nasalanta ng bagyong Carina at habagat upang ipakita nila ang pakikipagkaibigan at pagdamay sa mga Filipino sa panahon ng krisis sa gitna ng sigalot sa pagitan ng Pilipinas at China sa agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).
“Alam n’yo po si Senator Imee ang inspirasyon ko sa bigas. So yan ang unang project namin. Pagbalik ko galing US. Nasa US ako nang nangyari ang kay Carina, nabalitaan ko lang sa viber. Nakita ko lang sa mga Youtube kung ano ang nangyayari, nu’ng pagdating ko sa umaga 5 a.m.5 o clock dumating ang eroplano ko.10 o clock nagmi-meeting na kami para magkaroon ng concerted effort to donate relief goods to help the community. As of now umabot na kami ng P60 million pesos.We have already put together through the grace of God…We have put together already 30,000 bags of 5 kilos each.…”, ayon kay Dr. Cecilio K. Pedro, Presidente ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII) at Founder ng Happee Toothpaste sa isang press conference na isinagawa sa Quezon City.
Ayon kay Marcos, nagkusang loob ang mga naturang negosyante upang magbigay ng tulong sa relief operations na ginagawa ng kanyang tanggapan sa mga binaha ng naturang bagyo mula pa noong Hulyo 25 hanggang noong Linggo (Agosto 4).
Nagpasalamat naman si Marcos sa FFCCCII at Chinese embassy, at iba pang kaibigan sa Binondo na kusa na lang nagbigay ng tulong.
“Bigas lang. Bantayan natin ang bigas yun ang kailangan nila. Yan ang sabi ni Senadora.So pinuntahan na namin.As of now we have identified already 16 municipalities with our continuing efforts to give relief goods,” sabi ni Pedro.
Kamakailan lamang ay nagpahayag ng pangamba ang Filipino-Chinese community sa Pilipinas na baka mauwi sa posibleng sinophobic ang epekto sa kanila dulot ng nagaganap na hidwaan sa pagitan ng China at Pilipinas dahil sa West Philippine Sea. ” Ang mga Tsino po dito sa Pilipinas at Filipino ay magkaibigan Tinutulungan namin upang kahit papaano hindi po sila masyadong mahirapan sa baha at ibang calamities na dumarating dito sa atin,” ang pahayag ni Pedro
Tuloy tuloy aniya ang pamamahagi nila ng tig-lilimang kilong bigas na may kaakibat na groceries sa mga pamilyang apektado pa rin ng baha hanggang ngayon.
Binigyang diin ni Pedro na bagamat may lahi sila ng Tsino, nangingibabaw aniya sa kanila ang pagiging Pilipino.”Ang hamon namin dito. Kami ay may dugong Tsino pero ang puso namin Pilipino. Puso naming Pinoy.Nagpapasalamat kami sa mayors ng San Juan, Quezon City, Manila, Pasay, Navotas. Halos lahat ng mayors na napupuntahan namin basta matutulungan natin ang bayan,” sabi ni Pedro.
Ma. Luisa Macabuhay-Garcia