ISINUSULONG ng pinuno ng ‘House of the People’ (HOPE) ang pinaniniwalaan niyang magiging mabisang kaparaanan para sa epektibong pag-bibigay ng tulong ng pamahalaan pangunahin na para sa mga maliliit na negosyong labis na naapektuhan ng Covid-19 pandemic.
Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, kumpiyansa siyang ang irerekomenda niyang “three-pronged strategy” ay magreresulta sa mabilis na pagpapaabot ng tulong, muling pagbangon at patuloy na pag-agapay ng mga nasa micro, small and medium enterprises (MSMEs) sector.
“The strategy is anchored on three components: a) Effective Implementation of Small Business Wage Subsidy Program b) Passage of a Comprehensive Economic Stimulus Plan c) Adoption of Whole-of Society Approach maximizing the Filipino “bayanihan” spirit,” ang paliwanag ng lider ng Kamara sa nasabing panukala niya.
Aniya, sa pamamagitan ng tinaguriang Small Business Wage Subsidy (SWBS) measure, ang mga empleyado ng small businesses, na tinatayang nasa 3.4 milyon, ay tatanggap ng P5,000 hanggang P8,000 cash aid, depende sa minimum daily wage rate ng rehiyon na nakasasakop sa kanila.
“We strongly support the SWBS program because it provides emergency support to small businesses and their affected employees at least for 2 months,” sabi ni Cayetano kung saan ang pamamahagi ng ‘wage subsidy’ na ito ay gagawin sa pamamagitan ng Social Security System (SSS).
“Yung immediate is for the workers ng micro, small and medium enterprises which will cost around P50 billion,” dugtong ng House Speaker.ROMER R. BUTUYAN