NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duterte ng pagtutulungan at pagsasa- isantabi ng anomang hindi pagkakaunawaan na magsisilbing pamana na maaaring maiwan sa mga susunod na henerasyon.
Sa mensahe ng Pangulong Duterte para sa ika- 35 taong pagdiriwang ng anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ay hinimok ang mga kritiko na maisa- isantabi na rin ang anomang pagkakaiba ng pananaw sa mga usapin upang matamo ang pinag-isang hangarin para sa kabutihan ng bansa.
Umaasa ang Pangulo na ang diwa ng EDSA ay magsisilbing paalala at gabay sa bawat Filipino na mananatiling mapagbantay ang bawat isa para sa demokrasya at mapanatili ang ating karapatan bilang mga Filipino.
Ayon pa sa Pangulo, mahalagang maisulong ang panibago pang pag-asa tungo sa inaasam asam na hangarin para sa bansa.
Hinubog aniya ang ating kasaysayan ng hindi na mabilang na pakikidigma ng ating mga bayani na nagbigay ng inspirasyon sa mga Filipino upang maisagawa ang People Power Revolution.
“As we contemplate the relevance of this occasion, let us proceed with renewed hope and optimism towards the realization of our shared aspirations for our nation,” dagdag pa ng Pangulo.
Ang Pebrero 25 ay idineklarang special non-working holiday sa bansa. EVELYN QUIROZ
132546 277877I need to have to admit that that is 1 amazing insight. It surely gives a company the opportunity to have in around the ground floor and actually take part in creating a thing unique and tailored to their needs. 331301