PAGULAYAN NAGHARI SA 2022 SCOTTY TOWNSEND MEMORIAL

NASIKWAT  ni Filipino-Canadian pool and snooker player Alex Pagulayan ang lahat ng tatlong korona sa 2022 Scotty Townsend Memorial na ginanap sa West Monroe, sa Los Angeles California.

Unang umarangkada si Pagulayan sa one pocket division kung saan pinataob niya sa finals si Scott Frost ng America para makuha ang tumatagingting na $9,000 premyo.

Sinundan ito ng  panalo niya sa 9-ball division matapos pataubin si Robbie James Joaquin Capito ng Hong Kong at maiuwi ang $5,300 premyo.

Kinumpleto ni Pagulayan ang sweep nang madominahan ang 10-ball mini event para sa $1,850 premyo DWIZ 882