UMAKYAT na sa 13 ang bilang ng Pinoy athletes na sasabak sa Tokyo Olympics sa susunod na buwan makaraang pormal na kunin ni golfer Juvic Pagunsan ang isang puwesto sa quadrennial meet.
Si Pagunsan ay nakapasok sa cut makaraang tumapos sa No. 50 sa men’s Olympic golf rankings kung saan 60 sa world’s top golfers ang umabante sa Olympics.
Sinamahan ng 43-year-old golfer sa Philippine contingent sina EJ Obiena (pole vault), Carlos Yulo (gymnastics), Hidilyn Diaz at Elreen Ando (weightlifting), Eumir Marcial, Irish Magno, Carlo Paalam and Nesthy Petecio (boxing), Criz Nievarez (rowing), Kurt Barbosa (taekwondo), Margielyn Didal (skateboarding), at Jayson Valdez (shooting).
Si Pagunsan ay lalaro sa quadrennial meet kung saan gaganapin ang golf events mula July 29 hanggang August 1 sa Kasumigaseki Country Club.
Dalawa pang golfers — 76th US Women’s Open champ Yuka Saso at Bianca Pagdanganan — ang inaasahan ding makakapasok sa Olympics dahil kasalukuyan silang nasa Top 60 ng women’s world ranking. CLYDE MARIANO
529864 26151Hey, you used to write exceptional, but the last few posts have been kinda boringK I miss your super writings. Past couple of posts are just slightly out of track! come on! 402289
521900 494387Id require to verify with you here. Which is not 1 thing I normally do! I take pleasure in reading a submit that will make individuals feel. Additionally, thanks for permitting me to remark! 891229