DAPAT maging ehemplo ang mga magulang sa kanilang mga anak kung paano maging makatwiran sa paghawak ng pera at kung paano kumita
Simulan natin sa loob ng tahanan at una kung paano ang pagtitipid sa lahat ng resources at maging sa utilities gaya sa konsumo sa kuryente, tubig, sabon panlaba man o panlinis at maging sa pagkain.
Kung nakikita sa mga magulang at nakakatanda ang kasinupan, gagayahin ito ng kabataan.
Kaya role model, wise spender ang mga magulang at nakatatanda ng kabataan at ang pagiging wise spender ay kanilang tataglayin sa paglaki.
Sa usapin naman ng pagkakaroon ng income, kapag alam ng mga anak ang husay at diskarte sa pagkita at hanapbuhay, malamang na gayahin ito.
Subalit sa panahon ngayon na nakabase sa mga bagong gadgets ang kabataan, hindi maaalis na magpaligsahan ang mga ito sa kanilang kaibigan, classmate at kabarkada.
May kabataan kasi na takot na walang kaibigan kaya napipilitan na makisabay kung ano mayroon ang isa, peer pressure, ang tawag dito.
Kaya ang tendency, naghahangad na magkaroon din ng magandang gadgets at iba pang kagamitan.
Ang paghahangad na magkaroon ng high-end na gadgets, ay uri ng pagwawaldas.
At hindi ito magandang attitude ng kabataan kung hahayaan lamang.
Subalit maaari itong gawing positibo.
Maaaring himukin ang anak na kung nais magkaroon ng mamahaling cellphone at gamit dapat paghirapan iyon at hindi one click lang.
Sa kabataan lalo na ‘yung nasa kolehiyo, kung kaya naman magkaroon ng part-time job, pwedemg gawin para mabili ang gusto at magkaroon ng sariling income.
Subalit tiyakin lamang na hindi mapapabayaan ang pag-aaral.
Dahil kapag kapag naranasan ang pagkita ng pera kung aano ito kahirap, tiyak na mauunawaan angga magulang na nagtatrabaho at hindi ito basta mawawaldas lamang dahil sa gadgets.
Siguradong magiging mahusay sa paghawak ng pera ang kabataang inuuna kung paano kikita kaysa maging magastos sa hindi naman mahalagang bagay.