SUPORTADO ng Department of National Defense at ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines ang kautusan ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tuluyang pagdurog sa armed wing ng Communist Party of the Philippines na New People’s Army (NPA).
Ayon sa ilang senior military officers ng Hukbong Sandatahan nasa tamang landas ang Pangulong Duterte sa kanyang pana-wagan na wasakin ang NPA.
Ito ay bunsod din ng mga ipinakitang karahasan ng CPP-NPA nitong mga nagdaang araw kabilang na ang pagdukot sa 14 na tauhan ng pamahalaan sa bayan ng Sibagat sa Agusan del Sur.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ito ang dahilan ng pangulo kaya hindi nito kinakagat ang sinasabing holiday ceasefire ng mga komunista.
Matatandaang nagdeklara ng limang araw na holiday ceasefire ang CPP habang inanunsiyo naman ng Malacañang na hindi ito susundan ng gobyerno.
Pagdidiin ni Duterte, huwag lang bastang lumaban kundi wasakin ang NPA maging ang kanilang legal fronts at mga kagamit-an.
Kaugnay nito, sinang-ayunan ng ilang military officers ang pahayag ng isang armed conflict analyst na kailangang bilisan ng pamahalaan ang pagkilos para matugunan ang mga bagay na nagtutulak para may makalap o sumama sa mga teroristang grupo gaya ng CPP-NPA at mga Islamic militant.
Sa isang pahayag ni Rommel Banlaoi, chairman ng Philippine Institute for Peace, Violence and Terrorism Research nagiging lantad ang Filipinas sa terorismo at iba pang uri ng karahasan dahil sa rebelyon.
Sa ginawang pag-aaral ng nasabing security analyst, dahil sa insureksiyong pinangungunahan ng mga rebeldeng Muslim at Communist NPA nagiging attractive target ng mga terorista ang Filipinas.
Ito rin umano ang dahilan kaya naitala ang Filipinas bilang ikasampu sa talaan ng mga bansang “emerg-ing hotspots of terrorism” ayon sa 2018 Global Terrorism Index (GTI). VERLIN RUIZ
Comments are closed.