PAGYANIG SA BICOL REGION ITINURING NA SWARM QUAKE

CAMARINES SUR- NAGBABALA ang Philippine Institure of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na may mga kasunod pa ang mga pagyanig sa Bicol region.

Ito ay dahil itinuturing na ng Phivolcs bilang swarm earthquake ang naitatalang mga pagyanig.

Matatandaang nagsimula ito maitala noon pang isang linggo, ngunit hanggang nitong mga nakaraang oras ay may mga nararanasan pa ring aftershocks.

Nagdulot na ito ng bahagyang pinsala, kung saan ilang establishimento ang nagkaroon ng pagkasira, may pintuan pang bumagsak at mga panindang nagbagsakan.

Paglilinaw naman ng Phivolcs, hindi pa ito matatapos hangga’t may enerhiya pa sa ilalim ng lupa na hindi naire-release.

Sa record ng ahensya, nakaranas na rin dati ng swarm earthquake sa Batangas area, kung saan bumagsak ang isang lumang simbahan at marami ang nakitang bitak sa mga istraktura sa lugar.

142 thoughts on “PAGYANIG SA BICOL REGION ITINURING NA SWARM QUAKE”

  1. 145559 492720Top rated lad speeches and toasts, as well toasts. could really properly be supplied taken into consideration generating at the party consequently required to be a little far more cheeky, humorous with instructive on top of this. best man speeches funny 838967

Comments are closed.