PAHAYAG NI PDU30 SA RICE IMPORTS NAGPASAYA SA MGA MAGSASAKA

DUTERTE-MAGSASAKA-2

SINIGURO ni President Rodrigo Duterte kama­kailan sa mga magsasaka sa Ilocos region na poprotektahan ang kanilang interest sa pagpapatupad ng Rice Tariffication Law (RTW).

“We are not against the government on trade liberalization. But small farmers like us must be well-informed and ensure that government programs have measures to increase our competitiveness,” sabi ni Crisner Lagazo, presidente ng  young farmers organization sa Pasuquin, Ilocos Norte.

Habang nasa Candon, Ilocos Sur para sa inagurasyon ng mahigit na pitong kilometrong bypass road, pinagaan ni Duterte ang pag-aalala ng mga magsasaka sabay sabing gusto niya na bigyan ng prayoridad ang local rice na prodyus kaysa sa importasyon.

“You can be sure that during your harvest, no importation will be allowed. Ayaw ko. That’s what I said. Ubusin mo muna bilhin, kung mahal magpalugi na lang tayo kaysa magbili tayo,” pahayag ni Duterte sa mga magsasaka sa Ilocos, kung saan ay walang dapat na maiwan sa gitna ng implementasyon ng RTL.

Noong Pebrero, pinir­mahan ng Pangulo ang pagsasabatas ng Rice Tarif­fication Act, kapalit ng paglilimita ng rice imports na may levying tariffs base sa Philippine commitments sa Asean Trade in Goods Agreement (Atiga) at ng World Trade Organization (WTO).

Layon ng batas na mabigyan ng abot-kaya at sapat na supply ng pagkain ang bansa gayundin ang pagkakaroon ng mata-tag, produktibo, at kumpetitibong rice industry.  PNA

Comments are closed.