Maraming salamat sa FAMAS sa inyong Gawad na Iconic Movie Actor of Philippine Cinema. Ang aking naging career bilang isang aktor pampelikula ay bunga po ng tulong ng marami nating nakadaupang palad sa showbiz.
Ang aking buhay ay dahil po sa industriyang ito. Kaya po hanggang ngayon sa Senado ay marubdob pa rin sa akin ang ating adbokasiya na tulungan at palakasin ang sining ng pelikulang Pilipino.
Patuloy po ang paghikayat natin sa ating mga kababayan na magtungo sa mga sinehan at suportahan ang ating mga pelikula. Kailangang kailangan po ng industriya ang ating pagkakaisa upang mapangalagaan at mapayabong ang sining na ito hindi lang para sa ating henerasyon kundi para sa mga susunod pa.
Mabuhay po ang mga bumubuo sa FAMAS, mabuhay ang pelikulang Pilipino!.