PAHAYAG NI TAGLE WELCOME SA MALAKANYANG

MALUGOD na tinanggap ng Malakanyang ang pahayag ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na humihimok sa publiko na irespeto ang religious views ng ibang tao tulad ng kay  Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ginanap na press  briefing, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na marapat na hayaan si Pangulong Duterte na mabigyan ng kaparehong religious freedom na tinatamasa ng bawat Filipinong mananampalataya.

“Alam naman po natin na magkakaiba ang ating paniniwala kaya sana naman respetuhin natin ang pagkakaiba na ito,” wika ni Roque.

“Nanawagan na po ang Pangulo ng isang diyalogo sa Simbahan at ito na po ang a­ting ginagawa. Mag-usap-usap tayo para sa Diyos at sa bayan,” giit pa ni Roque.

Samantala, itinalaga ni Pangulong Duterte bilang ikaapat na miyembro ng bi­nuong committee upang makipagdiyalogo sa Simbahang Katoliko at iba pang religious groups si Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr.

“I suppose his contribution is because he is an ex-priest himself and he is familiar with the dogma of the Catholic Church,” ani Roque.

Tiwala si  Roque na malaki ang maitutulong sa pakikipag-diyalogo sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa hinaharap.

Ayon kay Roque, ang end goal ng administrasyong Duterte sa pakikipagdiyalogo sa religious groups ay upang mapalakas ang kooperasyon sa mga ito partikular ang pinagkaisang kampanya ng pamahalaan kontra sa katiwalian, illegal drugs at kahirapan.

“The President really expected better working relations with the Catholic Church.  He is against divorce, he is against abortion, he is against same-sex marriage.  They seem to agree on what used to be contentious issues between the Church and the state,” giit pa ni Roque.

“We are still looking forward to this kind of cooperation. In the first place, kampante po ang Presidente sa kanyang pananampalataya. Kampante ang Simbahan sa kanilang misyon sa bayang ito. Ang ninanais lang natin, ‘yung dalawang institusyon ay makapagsilbi nang mas mabuti para sa ating lipunan,” dagdag pa ni Roque.

Sinimulan na ang dialogue ng binuong team ni Pangulong Duterte kamaka­lawa sa mga pastor mula Philippine Council of Evangelical Church (PCEC) at sinimulan na rin ang koordinasyon para naman sa pakikipagdiyalogo sa  CBCP.        EVELYN QUIROZ

Comments are closed.