PAHIYAS FESTIVAL 2022 PAGDIRIWANG NG MASAGANANG ANI SA LUCBAN, QUEZON

Inaabangan ang Lucban San Isidro Pahiyas Festival ng mga Filipino at turista – isang pagdiriwang na iniaalay sa mga magsasaka at sa kanilang patron na si Isidore the Farm Labourer.

Tuwing May 15, taon-taon, libo-libong bisita ang dumarayo sa Lucban upang saksihan ang Pahiyas. Gabi pa lamang ng May 14, inaayusan na ng mga residente ng Lucban ang kanilang mga tahanan ng mga gulay, prutas at kiping (kinulayang rice wafer na hugis dahon). Kinuha ang ‘Pahiyas’ sa salitang ‘payas,’ na ang ibig sabihin ay padedekorasyon.

Prusisyon ng ‘Kalas’ ang tampok sa pagdiriwang, kung saan kinukuha ng mga taong kasama sa parada ang mga gulay at prutas na dekorasyon sa bawat bahay na madaanan nila. Pipigilan naman sila ng mga may-ari ng bahay hangga’t maaari. Sa pag-aagawan sa dekorasyon nagkakaroon ng kasayahan.

Sa panahon ng festival, ipinagmamalaki ng mga magsasaka ang kanilang masaganang ani. Makikita rin ang maliliit na “Anok” na gawa sa prutas, gulay at longganisa. Ang arangya naman ay malalaking bulaklak na gawa sa kiping na kinulayan ng matitingkad at masasaya.

Nagsimula ang Pahiyas noon pang 15th century, noong panahong nag-aalay pa sila sa paanan ng Bundok Banahaw. Nang sakupin ng mga Kastila ang Pilipinas, itinalagang patron nila si San Isidro at nagpatuloy ang paganong pagdiriwang na iniaalay naman sa santo.

Nagdadala rin ang mga mananampalataya ng kanilang ani sa simbahan bilang pasasalamat, na binibendisyunan naman ng pari. Sa pagdaan ng panahon, hindi na kayang bendisyunan isa-isa ng simbahan ang mga alay na ani kaya ipinadekorasyon na lamang ito sa bawat bahay at sa panahon ng parada ay binibendisyunan ito ng kura paroko.

Nagsimula ang mo­dern version ng Pahiyas Festibval sa Lucban noong 1963. Nagkaroon ng kumpetisyon sa best-decorated house, cultural shows, parades, at exhibitions. KAYE NEBRE MARTIN