PAHUSAYIN ANG TEKNOLOHIYA

NGAYONG ginagamit ng China ang advanced technology para igiit na mayroong pinasok na Gentlemen’s Agreement kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea, isa itong senyales na dapat ay dagdagan pa ng pamahalaan ang kaalaman sa mga makabagong teknolohiya gaya sa IT o information technology.

Palagay ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na maaaring pekein ang boses o audio partikular sa iginiit ng China na mayroong usapan ang kanilang opisyal at isang Philippine military official hinggi sa kasunduan para sa WPS.

“Transcripts can easily be fabricated, and audio recordings can be manufactured by using deep fakes,” ang eksaktong sinabi ni Brawner sa mga mamamahayag.

May punto ang AFP Chief dahil maaaring gumamit ang mga ito ng Artificial Intelligence upang igiit ang sinasabing Gentlemen’s Agreement.

Kaya naman isang hamon ang nasabing usapin sa mga Pinoy.

Senyales din ito na panahon na upang pahusayin ang kaalaman sa teknolohiya at hindi lamang sa pakikipagdigmaan gamit ang pisikal at lakas kundi dapat tapatan ang pagiging wise ng mga nagnanais linlangin ang bansa lalo na ang umaagaw sa soberanya ng Pilipinas.

Ito rin ang panahon na dapat nang yakapin ang digitalization tulad ng isinusulong ng Pangulong Marcos upang hindi mahuli ang kalaaman sa labas ng bansa lalo na sa pagbibigay ng proteksyon sa estado.

Kung mahusay sa teknolohiya, mahihirapan ang sinumang magtatangkang lamangan at manamantala sa Pilipinas.