PAINTING NI CORY AQUINO NA DATING PAG-AARI NI AI-AI DELAS ALAS, IPA-SUSUBASTA

PINATOTOHANAN ni Ai-Ai delas Alas ang kuwento na ibinigay raw niya sa isang kakilala, nang walang anuman na kapalit, ang painting ni former President Cory Aquino.

Ang painting ay niregalo pa sa kanya ni Kris Aquino, anak ni Cory, noong magkaibigan pa sila.

Pinamagatang “Please Help Me” ang oil on canvas painting ng isang babaeng lumuluha na ipininta ng dating presidente  noong 2005.

May sukat itong 36 cm x 46 cm, at may pirma ng dating Pangulo ng Filipinas.

Nagngangalang Bert naman ang mapalad na lalaking pinagkalooban ni Ai-Ai ng painting ni Aquino, tatlong taon na ang nakararaan.

Si Bert ang madalas tinatawagan ni Ai-Ai kapag gusto nitong magbawas ng mga gamit sa bahay.

“Ibinigay ko kay Bert ang painting three years ago. ‘Yun ang time na nagbawas ako ng mga gamit dahil lumipat kami sa bagong bahay ko sa Quezon City,” kuwento ni Ai-Ai.

Ang painting ni Cory na for auction ay nasa kategoryang Kingly Treasures Auction ng Leon Gallery sa Makati City, at may presyong P200,000.

Napag-alaman ni Ai-Ai  na nakatakdang isubasta ang “Please Help Me” painting ni Cory dahil sa text message na natanggap niya mula kay Bert.

Ipinaalam ng kaibigan ng aktres na dinala ng kanyang apo sa Leon Gallery ang painting at kasama na nga ito sa Kingly Treasures Auction na may live bidding sa Nobyembre 28, 2020.

Hiniling lang ni Ai-Ai kay Bert, na magbahagi ito ng tulong kapag nabenta na ang painting ni Cory, sa mga kababayan nating nasalanta ng Typhoon Rolly at Ulysses.

Agad namang sumang-ayon kay Ai-Ai ang kaibigan at sinabi na talagang balak nitong magbigay ng donasyon sa mga biktima ng bagyo kung sakaling mabili ang “Please Help Me.”

Akmang-akma nga ang pamagat ng naturang painting sa mga Filipinong humihingi ng tulong dahil sa pinsalang naidulot ng sunod-sunod na kalamidad na dumating sa bansa. ANGELO BAINO

6 thoughts on “PAINTING NI CORY AQUINO NA DATING PAG-AARI NI AI-AI DELAS ALAS, IPA-SUSUBASTA”

  1. 730735 27972Exceptional read, I lately passed this onto a colleague who has been performing slightly research on that. And the man truly bought me lunch because I came across it for him smile So allow me to rephrase that: Appreciate your lunch! 171514

  2. 74618 964060We provide you with a table of all the emoticons that can be used on this application, and the meaning of each symbol. Though it may take some initial effort on your part, the skills garnered from regular and strategic use of social media will create a strong foundation to grow your business on ALL levels. 62299

  3. 994308 825023An fascinating discussion could be worth comment. I believe you should write on this topic, it might certainly be a taboo topic but usually folks are not enough to dicuss on such topics. To a higher. Cheers 316893

  4. 376717 89318My wife style of bogus body art were being quite unsafe. Mother worked with gun initial, after which they your lover snuck free upon an tattoo ink ink. I was certain the fact just about every need to not be epidermal, due to the tattoo ink could be attracted from the entire body. make an own temporary tattoo 869965

Leave a Reply

Your email address will not be published.