PAINTINGS AT ILANG ARTIFACTS DINALA SA MUSEO NI JOSE RIZAL SA CALAMBA

PAINTINGS-2

(ni CYRILL QUIlO)

INILIKAS ang ilang mahahalagang bagay ng Museo ni Marcela Marino at Felipe Agoncillo na nasa loob ng danger zone sa Taal, Batangas pati ang ilan sa koleksiyon at mahahalagang bagay sa Museo nina Leon at Galicano Apacible ng Tanauan, Batangas ay pansamantalang inilagak sa Museo ni Jose Rizal sa Calamba, Laguna upang maging ligtas.

Dalawa sa ilang paintings sa Museo ni Marcela Marino  at Felipe Agocillo ng Taal, Batangas ang inilagak pansamantala sa bayan ng Calamba na naisalba ng Materials Research and Conservatioin Division ng National Historical Commission of the Philippines nitong Enero 16, 2020, ilang araw matapos magbuga ng abo ang Bulkang Taal at pagbabadyang pagsabog nito.

Isa sa mga likhang paintings ay kay Marcela M. Agoncillo na nakilala bilang tumahi ng kauna-unahang pambansang bandila ng Filipinas at si Felipe Agoncillo y Encarnacion ay kauna-unahang Filipino Diplomat. Ang isa naman ay lolo ni Dona Marcela ang siyang nagtayo ng bahay noong 18th century na siyang ginawang Museum ngayon.

PAINTINGS-1Mula naman sa Museo nina Leon at Galicano Apacible ang kopya ng Title Page ng 1899 Constitution. Dahil sa pagi­ging deligado ni Leon ng Malolos Congress kung saan ang kanyang kapatid  na si Galicano ang nanguna sa Comite Central Filipino noong siya ay nasa Hong Kong at siyang nangasiwa sa kauna-unahang Republika ng Pilipinas.

Sa panayam sa curator ng Museo ni Jose Rizal na si Ms. Zarah Escueta sa Calamba, may ilan ding artifacts o ‘di matatawarang  koleksiyon ang inilagak pansamantala rito tulad ng mga suklay, booklets, stamps at alahas o mga bagay na binigyang importansiya ng mga may-ari nito,

“Dinala rito sa Calamba ang mga ito for security reasons dahil malapit sa danger zone ng Taal Volcano. Kinakailangan na ma-preserve at protektahan ang mga ito dahil may kinalaman ito sa ating kasaysayan at maaabutan ng ilan pang sususunod na henerasyon. Kinakailangan nating pangalagaan na may tender, love and care,” ayon pa kay Escueta.

Ayon naman sa Curator ng Tanauan City na si Ms. Olga Palacay ng Museo nina Leon at Galicano Apacible na marami pang naiwan na mahahalang bagay sa Museo tulad ng ilang paintings, mga libro ni Apolinario Mabini na Florante at Laura, commemorative pins at koleksiyon na pera na nandoon ang kanyang mukha.

Samantala, sa dara­ting na buwan ay ipag­diriwang ang “Arts Month” kung saan itatampok ang ilang mga proyekto ng iba’t ibang museum sa buong bansa upang bigyang halaga ang ating sining at  kasaysayan.

Comments are closed.