PINAALALAHANAN ang mga residente maging ang publiko na mahigpit ipinagbabawal ang mga naliligaw na hayop sa loob ng NBP gayundin sa lahat ng Prisons and Penal Farms na mga awtorisadong tauhan na nakatira sa New Bilibid Prison (NBP) Reservation.
Nais ng pamunuan ng NBP na tiyakin na ang mga alagang hayop ay nakatali o nakakulong sa loob ng kanilang bahay o nababakod na paligid at regular na mabakunahan laban sa rabies.
Samantala, inatasan naman ang BuCor Security and Escort Command (BSEC) na makipag-ugnayan at humingi ng tulong sa Muntinlupa City Veterinarian Office para sa pagsasagawa ng regular na rescue operations at pag-impound ng mga ligaw na aso at pusa sa loob ng NBP Reservation lalo na sa mga lugar na nakapalibot sa gusali ng National Headquarters.
Layon ng naturang kautusan na tiyakin ang kaligtasan ng publiko, maging sa pagkontrol ng pagkalat at tuluyang pagpuksa ng rabies ng hayop sa komunidad.
PAULA ANTOLIN