PAKAPLOG SA MURANG HALAGA

PANDESAL, kape at itlog – pakaplog—ang karaniwang almusal ng pinoy na nagmamadali sa umaga para pumasok sa trabaho o sa iskwela. Magkano mo ito ibebenta sa murang halaga, na kikita ka pa?

Karaniwang presyo ng pandesal ay P2 ang isa – kung 2, P4. Ang kape naman, sa tamang timpla ay P2.50 ang classic sachet, piso ang asukal at piso ang creamer. Piso rin ang isang basong mainit na tubig. Sa itlog naman, P5 ang hilaw na itlog, P2 ang mantika, at piso ang cooking gas. Lahat-lahat, ang puhunan sa isang serving ay  P17.50 kaya pwede itong ibenta ng P20 na may tubo kang P2.50.

Huwag ka nang maghangad ng malaking tubo dahil ang habol natin dito ay maramihang benta. Mas maganda kung mayroon kayong thermos na siyang paglalagyan ng kape. Mas makakamura rin kung kapeng barako ang bibilhin dahil dalawang beses itong pwedeng ilaga.

Alalahaning ang almusal ay mula lamang 5:00 am hanggang 10:00 am, pero dahil mahilig talaga ang mga Pinoy sa kape, pwede itong ibenta maghapon ng P6 bawat paper cup.

Oo nga at maliit lamang ang kita rito, ngunit kapag nagkaroon ka na ng mga regular customers, bukod sa kikita ka na, malilibang ka pa.

Syempre, iba ang presyo ng 3-in-1 coffee. Ang regular price nito ay P10 sa bawat cup, not to mention kung bibili rin sila ng sandwich o kahit anong kakanin.

In fairness, pwedeng magsara muna from 11:00 am to 3:00 pm bilang pahinga, at magbukas uli ng 3:00 pm hanggang 8:00 pm.

Sa hapon, sa halip na pandesal, kakanin, cupcakes at mini cakes ang ibenta ninyo. Ang presyo ay depende kung ano ang ioorder ng customer, at ang kape, pwede na ang medyo sosi tulad ng espresso, latte, mocha, frappe at iba pa. – KAYE NEBRE MARTIN