Pakikibagay o adjustment

SABONG NGAYON

ANG dahilan kung bakit naglalaban ang mga manok is to protect their territory at kaya tumitilaok ay para ipaalam na sila  ang hari sa lugar kung saan sila nandoon.

“’Yon din po ang dahilan kung bakit sa araw ng laban ay minsan siya  ay nangangayaw/may nerbiyos kapag siya  ay nanibago sa kanyang kapaligiran. Para maiwasan ito ay during growing stage at conditioning ay mahalaga na siya ay palipat-lipat ng cording at lagayan (rotation) para masanay na iba-iba ang kanyang katabi at nakikita,” ani Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp.

Mahalaga rin  umano na sa loob ng ruweda stag man o cock derby na siya  ay palakarin para adapted/adjusted na siya  sa kanyang kapaligiran para siya ay focused na sa kanyang kalaban.

“Ang palatandaan po na handa na siyang makipagpatayan ay kapag siya ay tumilaok  at lalo na kung iniputan  niya  ang ruweda. Always give your best kasi ang manok natin ay patayan ang pupuntahan, sa atin naman ay pera lang ang mawawala. Sa nilalang ng Diyos,  ang manok panabong po ang pinakamatapang kasi namamatay siya  ng nakaharap sa kalaban,” dagdag pa niya.

At kung palulugu­nin po ang manok bilang paghahanda sa cock derby, ang dapat po i-spar o ibitaw natin sila habang hindi pa nagpapalit ng balahibo at ‘di baleng maputol ang pakpak at buntot kasi mapapalitan naman ng panibago kapag naglugon at hindi dapat i-spar kung kailan tumutubo ang panibago balahibo.

“Sa ganitong paraan dapat sa magaling na manok i-spar para nakatanim sa isipan niya  ang dapat gawin,” ani Doc Marvin.

Aniya, dapat ma­ingat po tayo kung bago na ang buntot at pakpak kasi kung mabawasan po ito o kaya mapuputol kahit isa lang ay huwag nang pilitin ilaban.

“’Yung kumpleto nga ang buntot at pak­pak ay natatalo, lalo na na po kung nabawasan o kulang,” ani Doc Marvin.

“Ang manok hindi natuturuan para guma­ling ang laro, kung ano ang abilidad niya  ay iyon na iyon at wala ka nang magagawa kung hindi palakasin at pabilisin lamang siya,”dagdag pa nya.

Ayon pa pa kanya, ang pagtuka sa kanyang kalaban at tapos saka papalo ay natatanim/instinct at nakukuha sa sobrang tagal ng sparring kasi pagod na siya at humihingal na at ‘di na kayang pumalo kaya tutuka muna at mapipi­litan lang pumalo at iyon po ay nagiging bisyo niya.

“’Yon din ang nagiging dahilan kung bakit sila ay natututong yumuko sa ilalim ng kanilang kalaban kasi pagod na at ayaw pa awatin sa sparring o bitaw at ito po ang pinakadelikado na bisyo ng ating panlaban,” ani Doc Marvin.

“Ang malapit na distansiya  ng talian o cording ang nagiging dahilan para siya  ay maunahan ng kanyang kalaban kasi nakatanim o instinct niya na malapit sa kanya ang kalaban ay ayaw pa niyang  paluin at kalimitan ay tumatagilid pa kung kailan nandiyan na amg kalaban kasi nga ang alam niyq ay nasa cording pa siya,” dagdag pa niya.

Comments are closed.