PAKIKIPAGKWENTUHAN VS QUARANTINE FATIGUE -DOH

Maria Rosario Vergeire

MAAARING masolusyunan ng pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan at mga mahal sa buhay, ang nararanasan ng mga mamamayan na ‘quarantine fatigue’ dulot ng patuloy na pag-iral ng community quarantine sa bansa dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon kay Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire, mainam na panatilihin ang pakikipag-usap sa mga kaibigan at mahal sa buhay upang maiwasang makaranas ng pagkapagal na dulot ng matagal na pananatili sa mga tahanan.

Ipinaliwanag niya na karaniwan nang nakakaramdam ng pagiging balisa, hindi mapakali, at iritable ang mga taong naka-karanas ng quarantine fatigue.

Nagkakaroon din aniya sila ng social withdrawal at loss of motivation dahil na rin pakiramdam nila ay nabawasan ang kanilang pagiging productive.

Sinabi naman ni Vergeire na kailangan na matanggap ng mga tao sa kanilang kalooban na hindi na tayo babalik sa dati nating buhay dahil sa pandemic.

Dapat na rin aniyang sanayin natin ang atingg mga sarili sa transisyon ng new normal. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.