PAKIKIRAMAY AT PANALANGIN BUMUHOS SA PAGPANAW NI SUSAN ROCES

BUMUHOS  ang pakikiramay at panalangin ng netizens sa social media sa pagpanaw ng premyadong aktres na si Susan Roces. Siya ay 80-taong gulang.

Kinumpirma ni Senador Grace Poe nitong Biyernes ng gabi ang malungkot na balita sa pagpanaw ng kaniyang ina, na kinikilalang Queen of Philippine Movies.

Si Susan ay biyuda ng tinaguriang hari ng pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr. “With great sadness, we announce the loss of our beloved Jesusa Sonora Poe, whom many of you know as Susan Roces,” ani Grace sa ipinadalang mensahe.

“She passed away peacefully on a Friday evening, May 20, 2022, surrounded by love and warmth, with her daughter Grace, her nephews Joseph and Jeffrey and many of her family and close friends,” dagdag pa ng senadora.

“She lived life fully and gracefully. Remember her in her beauty, warmth and kindness,” patuloy ni Grace.

“She is now with the Lord and her beloved Ronnie — FPJ.

We will miss her sorely but we celebrate a life well lived. Susan Roces — daughter, mother, grandmother, a true Filipina and a national treasure,” ayon pa sa senadora.

Nagsimula si Susan sa acting noong 1952 kung saan pumatok ang pelikula nitong “Mga Bituin ng Kinabukasan” Kabilang sa napakaraming pelikulang ginawa nito ay ang “Perlas ng Silangan,” kasama si FPJ noong 1969. at “Daigdig Ko’y Ikaw” noong 1965.