PATULOY ang pagbuhos ng mga nakikiramay mula sa iba’t ibang panig ng mundo sa pagpanaw ng celebrity chef na si Anthony Bourdain matapos na nagpakamatay sa isang hotel sa France dahil sa depression.
Nagulat ang buong mundo sa pangyayari at sinariwa ng mga taong nakasama ni Bordain kung papaano ito naging inspirasyon sa food lovers.
Nagpaabot naman ng paghanga ang American host na si Jimmy Kimmel, habang tinawag ng Italian actress na si Asia Argento na “rock” and “protector” ang 61-year old na nobyo.
Nagpaabot din ng dasal sa pumanaw na icon sina US President Donald Trump at dating Pangulong Barack Obama.
Ilang local personalities din ang nalungkot at nakiramay gaya nila Lea Salonga, Bianca Gonzales at Celebrity Chef Roland Laudico.
Kaugnay nito ay nagpaalala naman ang aktres na si Ryza Cenon sa publiko tungkol sa mga taong nakararanas ng depresyon.
Sa instagram post ni Ryza, ipinaunawa niya na hindi lamang simpleng kondisyon ang depresyon, na pangunahing dahilan ng suicide attempts kaya hiling nito ay maging mabait at maging sensitibo sa kapwa. AIMEE ANOC
Comments are closed.