PAKIKIRAMAY SA JAPAN PERSONAL NA INIHAYAG NI DUTERTE KAY JAPAN PM ABE

Pangulong Rodrigo Duterte-5

NAGPAABOT ng pakikiramay at simpatiya si Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan makaraang manalasa ang bagyong Hagibis at su­mira sa 600 taong gulang na Shuri Castle sa Okinawa noong nakaraang buwan.

Ang pakikiramay ay ipinaabot ni Pangulong Duterte sa ginanap na bilateral meeting kay Prime Minister Shinzo Abe sa sidelines ng 35th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Summits araw ng Lunes.

“I am deeply saddened by the death of your countrymen during the Typhoon Hagibis,” wika ng Pangulong Duterte.

Aabot sa 80 katao ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Hagibis  sa central at northern Japan noong kalagitnaan ng ­Oktubre.

“I also mourned because of the Shuri Castle. It is a UNESCO Heritage,” sabi pa ng Pangulo.

Una nang sinabi ng Japanese government na muling itatayo ang makasaysayang castle.

Ang Shuri Castle ay simbolo ng ancient Ryukyu Kingdom at salamin ng paghihirap ng Okinawa para makabangong muli mula sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.