PAKIKIRAMAY SA PAMILYA NI LUZ FERNANDEZ

NGAYONG wala na si Luz Fernandez, ang Lola Torya sa “Ora Engkantada,” mahihirapan silang humanap ng makakapalit nito.

Pakikiramay naman ang hatid ng workforce at pamunuan ng Pilipino Mirror sa pamilya ng beterenang aktres, na unang nakilala bilang artista sa mga drama sa DZRH noong kanyang kabataan.

Kalaunan ay na­ging film at TV actress din siya, na hinangaan sa kanyang galing bilang kontrabida at supporting actress. Kinilala rin siyang “Best Actress of All Time” ng DZRH sa kanilang 70th anniversary noong 2009. KNMartin