PAKINABANG SA SIN TAX!

edwin eusebio

Pagsusunog na nga ng pera ang Paninigarilyo…

Bukod pa rito ang mga sakit na Dala at idinudulot nito.

Kaya nga Angkop ang naging aksiyon ng ­Kongreso..

Dagdag na Buwis sa Yosi … Areglado!

 

Bahagi ito ng Panukalang Batas,

Nang kontrobersyal na Sin Tax..

Mas malaking buwis sa Sigarilyo’t Alak….

Layon na ang kalusugugan ay ‘di mapahamak.

 

Oo nga at tila Kay lupit para sa mga may Bisyo ang dagdag na buwis…

Ngunit dulot nito ay “Benefits”.. Malaking ha­laga ang malilikom at matitipid…

Sa proyekto mabubuhos ang maiipong buwis…

 

Magkaiba man ang pananaw ng bayan…

Higit ang mga maaapektuhan..

Tunay nga na may kasabihan…

Pasanin ang Bigat ng kasalanan.

Tulad ng Bisyong walang kabutihan…

kungdi magdulot ng sakit sa kalaunan….

Unti-unting paglason sa katawan.

 

Kaya marapat lamang ang Batas na manga­ngalaga sa kakusugan…

Benepisyo nito ay pangmatagalan

kalusugan ang pinahahalagahan

Para sa malusog na Sambayanan!

Comments are closed.