PAKIRAMDAMAN

SABONG NGAYON

ANG ATING mga manok since territorial in nature ay nangingilala rin ng tao na lalapit sa kanya kaya tayo ay palaging dahan-dahan sa paglapit sa kanya kasi teritoryo niya ‘yung kanyang pinagtatalian kaya ayaw niya na basta may papasok doon.

Ayon kay Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp, isa sa dahilan kaya nagiging salbahe ang ating mga tinali ay kapag pinipiga natin ang paghawak sa kanila lalo na kung ‘di pa sila kumakain.

“Palagi po pakiramdaman at ikaw ang mag-a-adjust sa kanya, hindi siya ang mag-a-adjust sa’yo kasi kahit kailan ay hindi mo siya kayang sindakin o takutin,” ani Doc Marvin.

“Kung ikaw ay nasa manukan na hindi mo pagmamay-ari ay palagi ka magpapaalam kung gusto mo sila hawakan. Galit na galit ako diyan sa dakot nang dakot sa buntot!” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Doc Marvin na huwag agad itatabi ang mga stag na ready for cording sa lagayan ng mga cock kasi nagkakanerbiyos sila, kaya pilitin sila o kapwa stag din ang katabi.

“Ang isang stag oras na nagdamdam/nasira, ‘yan ay obligado ka na palugunan siya kasi ‘di mo na magagamit sa stag derby,” sabi pa ni Doc Marvin.

Sinabi rin ni Doc Marvin na dapat eksaktong alais-6 ng gabi ay matutulog na sa pahapunan ang ating mga stag at cock.

“Exact time 6 p.m., kung talagang matagal ka na nagmamanok papalapit ka pa lang sa kanila ay alam mo na kung may masalimuot na nangyayari sa kanila, kaya dapat meron ka talagang bubong na paglalagyan sa kanila lalo sa panahong may malakas na bagyo,” ani Doc Marvin.

Aniya, kung gaano karami ang alaga nating manok ay siya ring dami ng sakit sa ulo.

“Tulungan po natin ang ating mga manok habang nasa mga kamay pa natin sila dahil kapag nabitawan mo na siya ay hinding-hindi mo na siya matutulungan!”

Dagdag pa niya, sa lahat ng nilalang ng Panginoon, tanging manok panabong lamang ang pinakamatapang kasi sila ay namamatay nang nakaharap sa kalaban.

95 thoughts on “PAKIRAMDAMAN”

  1. 149026 444311Hello! I just wish to give an enormous thumbs up for the very good information you might have correct here on this post. I can be coming once again to your blog for far more soon. 920868

Comments are closed.