BULACAN — Arestado ang padre de pamilya na isang Pakistani matapos na ireklamo ng pananakit sa kaniyang dalawang menor de edad na anak na edad 4 at 2 taong gulang sa Brgy. San Jose Patag, Sta. Maria .
Kinilala ni P/Lt.Col. Carl Omar Fiel ang suspek na si Muhammad Wasin, 45-anyos, negosyante, Pakistani.
Nabatid na dumulog sa kanilang tanggapan ang lola ng mga bata upang isumbong ang suspek.
Dito na ipinakita ang mga video ng pananakit nito sa mga anak kaya mabilis na pinuntahan ng mga pulis ang bahay ng suspect at inaresto.
Depensa ng suspek nagawa niya ang krimen dahil problemado umano siya at marami siyang utang at nais niyang humihingi ng tulong sa asawa niya.
Labis naman ang pagsisisi ng pakistani,gayunman sasampahan pa rin sya ng kasong child abuse. THONY ARCENAL
Comments are closed.