ARESTADO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Pakistani na umano’y miyembro ng Dawlah Islamiya terrorist group.
Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang inaresto na si Waqar Ahmad, 36-anyos, na nahuli ng pinagsanib na puwersa ng BI Mindanao Intelligence Task Group (MITG) at ng Philippine National Police ng Zamboanga City.
Ayon kay Morente, si Ahmad ay kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP sa Zamboanga habang on going ang deliberasyon ng BI Board of Commissioner sa kanyang deportation proceedings.
Naaresto si Ahmad bunsod ng intensive surveillance ng Philippine National Police Intelligence Group RIU 9 sa tindahan ng kanyang tiyuhin sa Zamboanga City, kung saan ito nagtratrabaho bilang storekeeper at collector.
Batay sa rekord ng BI si Ahmad ay dumating sa Filipinas noong pang Abril ng walang permit mula sa pamahalaan o working permit bago magtrabaho sa kanyang tiyuhin. FROI MORALLOS
Comments are closed.