PAKISTANI NA TRAINER NG TERORISTA HINARANG

CLARK INTERNATIONAL AIRPORT

PAMPANGA – HINARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport (CIA) ang isang Pakistani na pinaghihinalaang trainer ng mga  terrorist group na Daesh.

Ayon sa report na nakarating kay Immigration Commissioner Jaime Morente, mula kay BI OIC Deputy Commissioner Marc Red Mariñas, nakilala ang suspek na si Naeem Hussain, 36, na duma­ting sa bansa noong Setyembre 22 sakay ng Emirates Airlines galing sa Dubai.

Agad pinabalik si Hussain sa kanyang port of origin sapagkat banta ito sa seguridad ng ­Filipinas, ayon sa pahayag ni Marinas dahil kasama ang kanyang pangalan sa pinagsususpetsahan na mga international terrorist.

Sinasabing si Hussain ay nasa watchlist ng  military intelligence community, na siyang naging daan upang ­maging alerto ang mga taga-BI nang sa gayon ay hindi makalusot ang mga terorista partikular na ang mga Pakistani. FROI MORALLOS/ R. ROLDAN

Comments are closed.