NAKIUSAP ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mamamayan na manatili na lang sa bahay kung hindi naman importante ang kanilang pupuntahan at huwag nang dumagdag sa problema.
Inihayag ito ng MMDA nang sila ay mabulabog sa haba ng mga sasakyang nakapila sa mga checkpoint sa unang Lunes ng modified enhanced community quarantine (MECQ).
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, bagamat inasahan na nila ito, hindi nila inakala ang ganoon karaming sasakyan na lumabas ngayong Lunes.
Comments are closed.