NAGKANSELA ang tatlong major airlines ng bansa kamakailan patungong Taiwan matapos na palawakin ng gobyerno ang travel ban na isama ang lahat ng dayuhan galing sa lugar para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.
Sinabi ng Philippine Airlines, Cebu Pacific at AirAsia na kinakansela nila ang kanilang flights patungo at galing sa Taiwan para mapamahalaan ang panganib mula sa mabilis na kumakalat na virus outbreak.
“These restrictions are in relation to the coronavirus situation, in the interest of public health and safety,” pahayag ng PAL spokeswoman Cielo Villaluna.
Sinabi ng Bureau of Immigration kamakailan na ang travel ban ay magiging epektibo agad at susunod sa parehong procedures tulad nang naunang inanunsiyong mga restriksiyon na sakop ang China, at ang Special Administrative Regions na Hong Kong at Macau.
“While not explicitly stated, we have confirmed… that Taiwan is indeed part of the ban, and this expansion shall be implemented immediately”, lahad pa ni Immigration Commissioner Jaime Morente.
Niliwanag din ng Department of Health (DOH) na kasama ang Taiwan sa travel ban.
Ipinagbawal ng Filipinas ang pagbiyahe sa China sa pagkalat ng impeksiyon ng coronavirus sa buong mundo. Ang mga Filipino at dayuhan na may permanent resident visas ay puwedeng payagan na pumasok pero sila ay dadaan sa Bureau of Quarantine para sa pagsusuri, ani Morente.
Mahigit sa 115,000 Filipino ang nakatira at nagtatrabaho sa Taiwan, karaniwan ay sa mga factory o bilang kasambahay.
May malapit na relasyon ang Taiwan at China pagdating sa economic at cultural ties, at ang isla ay may nai-report na 18 kumpirmadong kaso ng virus. May nai-report ang China na 42,000 kaso sa pagkukumpara, at mahigit 1,000 pagkamatay na nakasentro sa Wuhan, ang kabisera ng probinsya ng Hubei.
Isinama ng World Health Organization ang Taiwan bilang bahagi ng China sa kanilang pagsusuri na ang China ay ang “high risk” na lugar para sa virus, sa kabila ng reklamo ng Taiwan na sila ay kahiwalay na gobyerno at maging ang health system at hindi dapat makasali sa ilalim ng China.
Ito ang nag-udyok din sa Italy na isama ang Taiwan bilang isa sa kanilang flight ban mula China, na ikinagalit ng Taiwan.
Comments are closed.