PAL NAGDAGDAG NG DOMESTIC FLIGHTS PARA SA HOLIDAY SEASON

DINAGDAGAN ng flag carrier Philippine Airlines ang domestic flights nito bilang paghahanda sa pagtaas sa travel demand sa gitna ng holiday season.

Ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna, para sa Luzon, ang airline ay unti-unting magbubukas ng flights sa Basco sa pamamagitan ng apat na flights ngayong Disyembre.

Para sa Visayas, sinabi niya na ang flights sa pagitan ng Manila at  Iloilo ay itataas mula siyam sa 14 flights linggo-linggo, simula sa  Disyembre 10.

Samantala, ang flights sa pagitan ng Manila at Bacolod ay magiging 14 mula pito, epektibo Disyembre 16.

Ayon kay Villaluna, sa kasalukuyan ay may walong daily flights sa pagitan ng Manila at Cebu mula sa lima noong Nobyembre.

“We have twice daily Manila-Tagbilaran-Manila flights and twice weekly Davao – Tagbilaran flights. From Iloilo, one can fly to Cebu, Davao and General Santos,” dagdag pa niya.