NAKAHANDANG magbigay ng P2,000 ang Philippine Airlines sa bawat pasahero bilang tulong sa pagkaantala ng kanilang mga bagahe galing abroad.
Ayon kay PAL spokesperson Ceilo Villaluna, na offload ang bagahe ng mga pasahero upang masiguro na angkop ang load capacity sa head wing ng eroplano, at hindi mahirapan ito sa pag-take off sa paliparan ng Canada dahil sa kapal ng snow.
Tiniyak ni Villaluna na makararating ang mga bagahe sa mahigit sa isang daang pasahero sa mga susunod na araw.
Mahigit sa isang daang pasahero ang lulan ng Philippine Airlines (PAL) PR 117 mula sa Vancouver, Canada na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1.
Dumating ang naturang flight bandang alas 12:00 ng tangahali kahapon at habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa dumarating ang kanilang mga luggage. FROILAN MORALLOS