PALABASIN ANG SIMPLENG GANDA

MAGANDA

MAY ILA sa na sa sobrang kahiligang mag-makeup ay hindi makalabas ng bahay nang walang inilalagay sa mukha. Ngunit mayroon din namang ibang kababaihang ayaw nilang nahahalatang may makeup sila kaya’t simple lang ang ginagawa nila o iyong tinatawag na “no makeup look”.

Posible na rin naman iyan sa panahon ngayon dahil mayroon nang no makeup look. Nauuso na sa panahon ngayon ang no makeup look dapat sa ganitong klase ng pagme-makeup ay mas lumalabas ang simple o natural na ganda ng isang tao.

Ang no makeup look ay isang look na light make up lang ang gagawing ayos sa mukha at palilitawin ang totoo mong beauty o ganda.

Kaunti lamang din ang kailangan mong makeup para rito katulad ng primer, foundation, pangkilay at lip and cheek tint.

Puwede rin namang i-skip na ang ilang produkto gaya ng primer at foundation.

Sa mga nais subukan ang no makeup look, narito ang ilang tips kung paano ito gagawin:

HUGASAN ANG MUKHA AT LAGYAN NG MOISTURIZER

Bago maglagay ng makeup, kailangang siguraduhing malinis ang mukha. Kahit pa light makeup lang ang gagawin, napakahalagang malinis ang inyong mukha kaya’t hugasan o hilamusan itong mabuti.

Kung malinis din ang mukha ay mas madaling kumapit ang makeup at magtatagal ito.

Matapos na malinis ang mukha, isunod na ang paglalagay ng moisturizer. Isa pa ito sa mahalaga upang hindi mag-dry ang balat.

SUNSCREEN

Importante rin ang sunscreen upang maprotektahan ang balat laban sa sikat ng araw.

Bukod din sa sunscreen ay maaari ring gumamit ng pri­mer nang magtagal ang makeup sa balat.

BB CREAM O POWDER FOUNDATION

Mainam din ang paggamit ng BB cream o kaya naman powder foundation. Light weight lang ang mga ito kaya’t hindi ito masyadong mahahala-ta. Hindi rin naman kailangang takpan ng todo ang blemishes dahil maganda rin itong tingnan.

AYUSIN ANG KILAY

Bahagya ring ayusin ang kilay. May mga produkto o pangkilay na sa panahon ngayon na natural lamang ang look o histura na maaaring subukan.

Abot-kaya lang din naman ang presyo at tumatagal o nagagamit ng ilang buwan.

Sa pagkikilay naman, sundan lang ang natural na hugis ng kilay nang ma-achieve ang natural look.

Sa mga tao o kababaihan namang okay na sa kanila ang kilay na mayroon sila, i-brush lang ito nang umayos.

LIP AND CHEEK TINT

Hindi lang sa mga kabataan nauuso ang paggamit ng lip at cheek tint.

Kung gusto mo nga namang maging natural lang ang look mo kahit na may suot o may gamit kang makeup, lip and cheek tint ang sagot diyan.

Nakaka-fresh nga naman ang lip and cheek tint at light weight lang din. Mas tumatagal din ang naturang produkto kaya’t sulit na sulit subukan.

Marami ring kulay na swak sa iyong skin tone ang puwedeng subukan. At ang maganda pa sa lip and cheek tint, madaling dalhin o ilagay sa bag dahil travel friendly ito.

TRANSLUSCENT POWDER

Para naman maiwasan ang oily face, maglagay ng transluscent powder.

Nagbibigay ng glow ang translucent powder kaya’t mainam din itong gamitin. Pero kung wala ka nito, puwede rin naman ang mga ordinary o regular na powder.

Hindi nga naman maiiwasan ng marami sa atin ang mag-makeup. Pero hindi rin naman kailangang sobrang heavy ang gagawing makeup.

Mas maganda pa rin iyong light lang o no makeup look. (photo mula sa nbcnews.com, prettyme.ph).CS SALUD

Comments are closed.