PALAGI KA BANG ONLINE?

ILAN kaya sa aking mga mambabasa ang nakakaranas ng insomnia nitong mga panahong ito? Ilan kaya ang nahihirapang makabalik sa dating iskedyul ng pagtulog? Maraming binabago sa ating buhay ang pandemyang ito, kabilang na riyan ang mga bagay na ating nakasanayan at nakagawian.

Nahihirapan ang iba na makahanap ng panahon o pagkakataong lumabas ng bahay upang makasagap ng sariwang hangin, makapag-ehersisyo, at makapagbilad sa araw.

Para sa ilan naman, ang diyeta o pagkain ang apektado—marami na ang nagdagdag ng timbang o mas nahilig sa mga pagkain at inuming hindi mabuti para sa katawan.

Nabubura na rin ang linyang naghihiwalay ng weekdays sa weekends, ng working days sa rest days. Ang iba ay nagtatrabaho hanggang dis-oras ng gabi, hanggang umaga pa nga kung minsan. Umuupo sila sa hapag-kainan upang kumain habang gumagawa ng trabaho para sa opisina.

Bugbog din sila ng mga tawag, mensahe, notifications sa kanilang mga telepono, laptop, iPad, o computer—kahit na sila ay nagpapahinga o nag-rerelax kasama ang mga mahal sa buhay. Niyakap na natin nang husto itong tinatawag na “always-on culture” o ang pagiging palaging online. Ano ang kapalit nito? Ipinagpalit natin ito sa mahimbing na tulog, pahinga at ang kalusugan hindi lamang ng ating katawan kundi pati ng ating isipan.

Nagbababala ang mga eksperto laban sa mga kaugalian o kasanayang ito na talaga namang nagiging kalat na kalat na ngayong panahon ng pandemya.

Nagpapaalala silang huminto tayo, manimbang, at gawin ang kinakailangan upang maibalik ang balanse, upang makabalik tayo sa mabuting kalagayan.
(Itutuloy…)

86 thoughts on “PALAGI KA BANG ONLINE?”

  1. 146117 818586This internet web site is truly a walk-through for all with the information you wanted about this and didnt know who to ask. Glimpse here, and you will definitely discover it. 104168

Comments are closed.